Gumagawa na ng ilang hakbang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang tugon sa plano ng China na pagpapatupad ng fishing ban sa mgainaangkin nitong teritoryo sa West Phil Sea.
Maalalang naunang idineklara ng China ang fishing ban sa WPS mula May 1 hanggang Sept.16.
Maliban dito ay sinabi rin ng pamahalaan ng naturang bansa na magsisimula na rin itong manguli sa mga dayuhang magagawi sa WPS simula June 15. Ang mga ito ay idedetine sa loob ng 60 na araw.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, may mga nabuo ng plano ang AFP sa sandaling gawin ito sa mga mangingisda ng bansa na magagawi sa WPS.
Gayonpaman, tumanggi muna ang heneral na isa-isahin ang naturang plano.
Kasama aniya ng Sandatahang Lakas ang Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mga mangingisda, at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.
Ayon kay Brawner, gagawin ng AFP ang lahat ng makakaya upang mabigyang proteksyon ang mga mangingisdang nagagawi sa WPS na teritoryo ng Pilipinas.