Pinabulaanan ng Armed Forces of the Phil (AFP) ang alegasyon ng National Democratic Front (NDF) sa umano’y pangii-spy o pagmamanman ng pamahalaan sa galaw ng mga NDF consultants, kabilang ang magasawang Wilma at Benito Tiamzon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Marine Col Edgard Arevalo na walang katotohanan ang mga bintang ng mga NDF consultants sa kanila.
Giit nito na mas prayoridad ng AFP ang pagsuporta sa mga hakbang na may kinalaman sa pagsulong ng usapang pangkapayapaan at hindi ang magmanman sa galaw ng mga NDF consultants.
Aniya, dapat patunayan ang kanilang mga alegasyon lalo na kung sundalo ang sangkot.
Naniniwala rin si Arevalo na dapat ay malayang nakakagalaw ang NDF consultants dahil sila ay saklaw ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Patuloy ang pagtatrabaho ng AFP para makamit ang kapayapaan na siyang nakatuon sila sa kapakanan ng publiko sa harap na rin nanatiling umano’y banta ng terorismo sa bansa.