-- Advertisements --
AFP CHIEF Benjamin Madrigal
General Madrigal

Pinawi ni AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal ang pangamba ng publiko na posibleng mang-eespiya ang China sa pamamagitan ng 3rd telco player nito na pag-aari ng China Telecom ang DITO Telecommunity.

Ayon kay Madrigal, batid nila na laging may panganib sa pang-eespiya sa lahat ng pasilidad ng komunikasyon, at may mga kaukulang hakbang na isinasagawa ang AFP para mapigilan ito.

Una rito, lumagda ang AFP sa isang kasunduan na magpapahintulot sa Dito Telecommunity, na dating Mislatel na magtayo ng cellsites sa mga kampo ng militar.

Ang Dito telecommunity na consortium ng Udenna Corporation, Chelsea Logistics at China telecommunications, ang pinahintulutan ng pamahalaan na maging 3rd major telecommunications player sa bansa, na makikipagkumpitensya sa Globe at Smart.

Ayon kay Madrigal, kung ano ang naging kasunduan ng militar sa Smart at Globe ay kapareho din ito sa 3rd telco player ang Mislatel.

Binigyang linaw ng heneral na hindi ito makaka apekto sa kanilang operasyon.