-- Advertisements --

Walang dapat ipangamba ang publiko sa seguridad kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang Syrian bombers na umano’y miyembro ng teroristang grupo ng ISIS.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na ginagawa ng militar at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang lahat para maiwasan ang anumang terroristic activities sa bansa.

Sinabi ni Padilla na ang pagkakaaresto sa dalawang banyaga ay patunay sa kahandaan ng militar na tumugon sa anumang banta at isang joint operations.

Giit nito na para sa militar ay hindi ang banta ang siyang kritikal bagkus ang kritikal dito ay ang abilidad ng militar na makapag responde sa banta.

Tiniyak ng AFP na kaya nilang protektahan ang publiko laban sa anumang mga banta.

Tumanggi naman ang militar na magbigay pa ng detalye kaugnay sa pagkaka aresto sa dalawang Syrian bombers.

“Based on our assessment we are leaning forwalrd and we are proactively engaged with all these threats, once they become active, we can confidently say that we can protect you, our people, against these threats,” pahayag ni Padilla.