Plaong bumili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga missile systems, warships at fighter jets para palakasin pa ang defense capabilities ng bansa.
Target ng militar na kumpletuhin ang kanilang air and missile integration at magtatag ng isang “reliable deterrent force.”
Ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr. pahayag sa pagdalo nito sa Raisina Dialogue March 17-19, 2025 na ginanap sa New Delhi, India.
Binigyang-diin ni Brawner ang kahalagahan ng strategic partnerships ng Pilipinas sa India kung saan naging matagumpay ang defense collaboration nito sa BrahMoss missile system.
“We are looking at acquiring more missile systems to complete the integration of our air and missile defense. Alongside this, we will be purchasing more warships and multi-role fighter jets to build a strong and reliable deterrent force,” pahayag ni Brawner.
Ayon kay Brawner, bukod sa procurement kanila din pag-aaralan na magkaroon ng joint manufacturing, technology transfer at local production sa Pilipinas bilang suposrta sa lumalagong defense industry.
Ang pagdalo ni General Brawner sa Raisina Dialogue ay ang kauna-unahang pagdalo ng AFP sa taunang conference, patunay ito sa commitment ng Pilipinas pata sa pagpapalalim pa sa international cooperation at pagtugon sa usaping pangsesguridad.
Muling pinagtibay ng AFP ang kanilang pangako na depensahan ang soberenya ng bansa.
Binigyang-diin ng AFP sa pagkakaroon ng modernization program, nakahanda sila harapin ang mga umuusbong na banta at pangalagaan ang maritime at aerial domain ng bansa sa pamamagitan ng strategic capability-building.