KORONADAL CITY – Nakikipagtulungan na sa ngayon ang AFP at PNP sa Moro Islamic Liberation Front-Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities (MILF-CCCH) upang maresolba ang tensyon sa Talitay, Maguindanao dahil sa away ng political clans.
Ito ay makaraang magdulot ng tensiyon at takot sa mga residente sa nabanggit na bayan ang pagsalakay ng mga armadong kalalakihan sa bahay ng nanalong vice mayor.
Ayon kay 6th ID spokesman Major Arvin Encinas, hinarass at pinaputukan ng mga armado na pinamumunuan ni Kumander Mike ang bahay ni Talitay Vice Mayor-elect Montasir Sabal.
Dahil sa takot ng mga residente sa lugar ay agad na nagsilikas ang mga ito mula sa mga barangay ng Poblacion, Gadungan at Kilalan sa nabanggit na bayan na hindi pa nakakabalik hanggang sa ngayon.
Naniniwala naman ang nanalong bise alkalde na kagagawan ng kanyang kalaban ang nasabing pagsalakay at nanindigan na hindi ito aalis sa pwesto.
Sa ngayon, nanawagan ang mga pulis at sundalo sa dalawangn magkatungggaling pamilya na magkasundo na upanmg humupa ang gulo na dulot ng away pulitika.