-- Advertisements --

Kahit lusaw na raw ang Red October plot hindi pa rin umano nawawala ang banta laban sa Duterte government.

Dahil dito pinalakas ng PNP at AFP ang kanilang koordinasyon at intelligence gathering nang sa gayon mabantayan ang sinuman na may balak mag-aklas laban sa gobyerno.

Kaugnay nito hindi pa rin raw nagpapakampante ang AFP at PNP.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde walang dahilan para sila ay mag-relax sa kanilang trabaho.

Aniya, naghihintay lamang ng magandang tiyempo ang mga kalaban ng gobyerno para maikasa ang kanilang masamang balakin.

Samantala, ang Joint Peace and Security Coordinating Committee ng AFP At PNP ay nagpulong ngayong araw para plantsahin ang paghahanda sa seguridad ng darating na eleksyon.

Maglulunsad ng joint aggressive operations ang PNP at AFP laban sa mga Private Armed Groups PAGs, gun for hire at iba pang mga grupo na posibleng magdulot ng karahasan sa 2019 midterm elections.