Kapwa nagpa-abot ng pagbati ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagkapanalo ni Sen. Manny Pacquiao kay Keith Thurman via split decision.
Sa mensahe na ipinadala ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato kanilang ipinagbubunyi ang pagka panalo ng boxing icon.
Sinabi ni Detoyato ang panalo ni Pacquiao ay patunay ng kaniyang legasiya bilang boxing champion.
Ang dedikasyon ng senador sa kaniyang pagiging boksingero, nagnagpapakita ng kaniyang hardwork at sakripisyo ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino lalong lalo na sa militar.
“His strength that comes from his humility and compassion have always won our hearts and minds in his decades of fighting in the boxing arena,” pahayag ni Detoyato.
Sa kabilang dako, kaisa ang PNP sa pagbubunyi ng mga Pilipino sa pagkapanalo ni Sen. Pacquiao.
” We share the triumph of our Peoples Champ with every Filipino who cheered and pray for this latest honor for the country,” pahayag ni PNP Deputy Spokesperson Lt.Col. Kimberly Molitas.