Kapwa nagpaabot ng pakikiramay at nagbigay-pugay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ni dating Environment Sec. Gina Lopez.
Ayon kay AFP Chief Gen. Benjamin Madrigal, nakasama niya mismo ang dating kalihim sa iba’t ibang adbokasiya at charity works nuong siya’y batang opisyal pa lamang sa AFP.
Naniniwala si Madrigal na ang pagpanaw ni Lopez ay isang magandang pagkakataon upang lalong ipagpatuloy ang lahat ng magagandang nasimulan nito sa pagtatanggol sa kalikasan at sa mga kabataan.
“The Armed Forces of the Philippines joins the Lopezes and the environment and children loving Filipinos in this moment of bereavement for the untimely demise of Ms. Regina Paz “Gina” Lopez.
“We have been partners in the vigorous pursuit of her many advocacies and charity works.
“Ms. Gina might have left us, but the AFP shall carry-on with and continue to be inspired by her aspirations for clean environment and safe and protected children.
“Isang pagpupugay mula sa Kawal Pilipino,” mensahe ni Gen. Madrigal.
Samantala, para naman kay PNP Spokesperson, P/BGen. Bernard Banac, mananatili sa puso’t isipan ng lahat ang adbokasiya at magsisilbi rin aniyang inspirasyon sa kanila si Lopez.
Sa maikling panahon ng pagiging Kalihim, ipinagmamalaki ng PNP na alalahanin ang maigting na pagpapatupad ni Lopez ng mga Batas sa Kalikasan partikular na sa minahan na naka-a-apekto hindi lang sa kalikasan kung hindi sa taumbayan.
Ipagpapatuloy ng pulisya ang naging legasiya ni Lopez na naka-tadhana sa saligang batas na pagiging maka-Diyos, maka-Bayan, maka-Tao at maka-Kalikasan.
“If only for a short while during her incumbency as DENR Sec, the PNP is proud to cherish the work we shared with Ma’am Gina in enforcing environmental laws, particularly against destructive mining activities,” ani Banac.