-- Advertisements --

Kinumpirma ni AFP chief of staff General Eduardo Año na nagsanib pwersa ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine National Police (PNP) para labanan ang New Peoples Army (NPA) kasunod ng all out war na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa rebeldeng grupo.

Sinabi ni Año na nakapaloob ang hakbang sa joint letter directive na nilagdaan nila ni PNP chief Dela Rosa.

Pahayag nito na bukod sa mas pinaigting na operasyon laban sa NPA at pag-aresto sa mga lider ng rebeldeng grupo.

Bahagi rin ng napagkasunduan ang pagtutok sa iba pang prayoridad ng Pangulong Duterte tulad ng pagpulbos sa terorismo at giyera kontra droga.