Kapwa isinailalim ngayon sa heightened alert staus ang mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), matapos ang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte unilateral ceasefire at ang pagkansela sa government peace talks sa NDF.
Mahigpit na pinatututukan nina AFP chief of staff General Eduardo Anio at PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang mga sundalo at pulis lalo na sa mga lugar na balwarte ng rebeldeng grupo.
Hindi kasi malayo na maglunsad ng mga pag-atake ang rebeldeng NPA lalo na sa mga kampo ng militar at PNP.
Ayon kay Anio, na kaniya ng inalerto ang mga tropa sa ground lalo na sa mga ground commanders at mayroon na silang ipinapatupad na contingency plan ukol dito.
Sinabi ni Anio na sa ngayon nasa higit 3,700 na kaubuuan na mga NPA rebels sa buong bansa at kalahati dito ay nag-ooperate sa may bahagi ng Eastern Mindanao.
Sa kabilang dako, sa panig naman ni PNP chief kaniyang ipina-utos na palakasin pa ang seguridad sa mga himpilan ng pulisya lalo na sa mga malalayong lugar para maiwasan ang posibleng pagsalakay ng rebeldeng NPA.