-- Advertisements --

Magsasanib pwersa ngayon ang PNP, AFP, PDEA at NBI para palakasin pa ang giyera kontra droga ng pamahalaan.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nais na magsama sama ang apat para sa pagpapatupad ng operasyon laban sa mga bigtime drug syndicates.

Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magiging aktibo ang partisipasyon ng militar sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga partikular sa mga high profile traget.

Ito ang napagkasunduan, makaraang makipagpulong ang militar at PNP kamakailan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo ang pagnanais nitong tapusin ang problema ng bansa sa iligal na droga sa loob ng kaniyang termino.

Sinabi ni Arevalo na nais ng pangulo na kasama ng PDEA at PNP ang militar lalo na kapag high profile drug syndicate ang target.

Hindi kasi aniya isinasa isantabi ng pangulo ang posibilidad na gumanti o manlaban ang mga sindikato dahil tiyak na armado ang mga ito at armado ng mga na high powered firearms.

Nilinaw naman ni Arevalo na hindi sila magsasagawa ng street level drug operations.

Siniguro rin nitong susunod sila sa lahat ng umiiral na batas sa karapatang pantao.