Nilagdaan ngayong araw ng AFP at PNP ang isang kasunduan na magpapalakas ng koordinasyon ng kanilang mga pwersa upang tuluyang malansag ang NPA, private armed groups at iba pang criminal syndicates sa Northern Luzon.
Ang kasunduan na pinamagatang Joint Campaign Plan “Natalna II” ay nilagdaan ni AFP Northern Luzon Command (NOLCOM) commander Lt Gen Arnulfo Marcelo Burgos Jr. , at PNP Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) – Norther Luzon commander M/Gen. Ferdinand Daway.
Ayon kay Gen. Burgos, layon ng kasunduan na tugunan ang mga “operational gaps” sa mga pinagsanib na operasyon ng AFP at PNP sa pamamagitan ng paglikha ng karagdagang “clusters” sa Joint Peace and Security Coordinating Committee.
Sinabi pa ni MGen. Burgos na ang pagkakaroon ng matibay na samahan ng mga sundalo sa PNP ang isa sa mga prayoridad ng NOLCOM.
Sinabi naman ni M/Gen. Daway na sa pamamagitan ng kasunduan ay isinapormal ang kooperasyon ng AFP at PNP hanggang sa mismong mga tauhan nila sa “grassroots level”.
Ayon kay Daway, ito ang sagot ng AFP at PNP sa atas ng Pangulong Duterte sa militar at pulis na paigtingin ang kanilang pagtutulungan upang mawakasan na ang mahigit 50-taong aramdong pakikibaka ng mga komunista sa bansa.