-- Advertisements --

Ikinatuwa ng AFP at PNP ang pag-apruba ng Kongreso sa panibagong isang taong pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo na ang hakbang ay nag-atang sa militar ng malaking responsibilidad.

Ito umano ay ang tapusin na ang rebelyon sa Mindanao, at pigilan ang pagkalat ng lawless violence sa ibang bahagi ng bansa.

Sa panig naman ni AFP chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal na nararapat lang palawigin ang batas militar sa rehiyon dahil sa kinakaharap nitong mga banta sa seguridad.

Sinabi ni Madrigal, layon din ng extension na maipagpatuloy ang pang-ekonomiyang benepisyo dulot ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Dagdag pa nito, ang hakbang ng mga miyembro ng Kongreso ay tugon na rin sa kahilingan ng mga local government executives dahil sa seguridad na idinudulot ng martial law sa kanilang mga constituents.

Sa panig naman ni PNP Chief Oscar Albayalde, itataguyod ng PNP ang karapatang pantao sa Mindanao.

Sinabi ni Albayalde na dahil sa extension ay makakaasa ang mga taga mindanao ng isa pang taon ng kapayapaan at seguridad.