-- Advertisements --

Wala pang nakikitang ebidensiya ang PNP at AFP hinggil sa partisipasyon ng New Peoples Army (NPA) sa apat na serye ng pagsabog sa Cotabato City at Upi, Maguindanao na ikinasugat ng nasa 22 biktima.

Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Archie Gamboa na ongoing ang kanilang imbestigasyon hinggil sa apat na pagsabog Cotabato.

Pero sa panig ng AFP, itinuturo nito na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagsabog dahil umaaray na ang mga ito ay dahil sa sunud sunod na matagumpay na operasyon ng AFP.

Inihayag naman ni Gamboa na maingat sila sa pagtukoy sa grupo na nasa likod ng insidente kaya hinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon.

Hindi naman dini-discount ng PNP ang posibilidad na may kinalaman ang komunistang NPA dahil may mga grupo pa rin ng komunistang grupo ang nag ooperate sa may bahagi ng Western Mindanao.

Tiniyak naman ni Gamboa na sa kabila ng mga nangyaring pagsabog sa Mindanao, nananatiling ligtas ang mga mamamayan at ang mga naitalang kaso aniya ay maituturing na isolated cases lamang.