Kumpiyansa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang makamit ang kanilang deadline para pulbusin ang teroristang Abu Sayyaf sa Mindanao sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, ito ay patunay sa mga inilulunsad na operasyon ng militar lalo na sa mga bandidong Abu Sayyaf na naka base sa probinsiya ng Sulu.
Sinabi ni Padilla na umaasa din ang militar na buhos ang magiging suporta ng komunidad at ng mga local government officials sa kanilang giyera laban sa mga bandidong grupo.
Una rito, ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang problema sa bandidong grupo sa loob ng anim na buwan.
Noong Huwebes, muling pina-alaala ng pangulo kay AFP chief of staff General Eduardo Ano patuloy na opensiba laban sa ASG at ipinag-utos sa heneral na gamitin ang lahat ng available military assets para buwagin ang teroristang grupo.
Sa ngayon higit pang dalawang dosenang mga bihag ang hawak ngayon ng teroristang Abu Sayyaf sa probinsiya ng Sulu na siyang target ng militar na marescue.