-- Advertisements --

pnrolly1

Puspusan ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.

Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.

Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga ground commanders sa humanitarian, disaster and relief operations.

Subalit naka-alerto rin laban sa mga rebeldeng grupo na samantalahin ang isinagawang humanitarian and disaster mission.

pnrolly2

Aniya, may pwersa ring naka pokus para i mantene ang peace and order lalo na duon sa mga lugar na may mga komunistang rebelde ang nag-ooperate.

Kahapon nagsagawa ng aerial inspection ang militar sa Catanduanes at sa airport nito para makita ang pinsala na dulot ng hagupit ng Bagyong Rolly.

Nagsagawa naman ng relief operations ang 51st Engineering Brigade ng Phil Army sa Baao,Camarines Sur kung saan namahagi itong ng food packs sa komunidad.

Nanguna din sa road clearing operations ang mga tropa ng 31st Infantry Battalion sa Sorsogon.

Tumulong din ang mga ito sa repacking at pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating biktima ng Supertyphoon Rolly.

pn 1

Ang Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon at ang Philippine Navy Islander ay nagsagawa naman ng damage assessment mission sa Catanduanes area.

Ang Navy Islander NV312 sa pangunguna ng Pilot In Command, Lt. Cdr. Mark Licos, lumipad sa coastal arwas San Andres at Virac City para i-assess ang pinsala sa lugar na dulot ng Bagyong Rolly.