Posibleng ikokonsidera umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng militar na hindi magdedeklara ang gobyerno ng ceasefire sa CPP-NPA ngayong holiday season.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, karaniwang mas binibigyang bigat ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga ganitong usapin.
Ayon kay Sec. Roque, kaya pakikinggan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng militar pero sa bandang huli, siya pa rin ang magdedesisyon.
Una ng idinepensa ni AFP Spokesman Major General Edgard Arevalo ang kanilang posisyon sa pagsasabing nilalabag ng New People’s Army (NPA), ang armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang tigil-putukan na ipinaiiral.
Inihayag ni Gen. Arevalo na sa panahon holiday truce, tuloy pa rin sa kanilang extortion activities, pagpatay, arson at ibang karahasan ang NPA.