Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of Staff Gen. Eduardo Año sa Chinese government sa P5 milyong donasyon ng China para sa mga sundalong nakikipaglaban sa Marawi.
Personal na inabot ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang tseke kay Gen. Año sa isang simpleng seremonya sa Kampo Aguinaldo kahapon.
Tiniyak naman ni Ambassador Zhao na mayroon pang karagdagang P15 milyon na ibibigay ang China bago matapos ang taon.
Pahayag ni Zhao na ang nasabing donasyon ay ambag ng China sa rehabilitasyon ng Marawi, partikular sa pagdeliver ng engineering equipment.
Ang China kasama ang US, Australia, Malaysia at Singapore ay ilan sa mga bansang nangakong tutulong para maibangon muli ang Marawi.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kakailanganin ang hindi bababa sa P50 bilyon para sa rehabilitasyon ng siyudad.