-- Advertisements --

Pinaalalahanan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak sa ginagawang pagrerecruit ng New People’s Army (NPA) sa mga paaralan.

Ginawa ni AFP Assistant deputy chief of staff for operations BGen. Antonio Parlade ang paalala matapos nitong pangalanan ang 19 na mga paaralan kung saan aktibo ang recruitment ng NPA.

Pinangalanan ni Parlade ang mga sumusunod na kolehiyo at mga unibersidad:

University of the Philippines (UP) Diliman
UP Manila
Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa
Ateneo de Manila University
De La Salle University
University of Sto. Thomas
Adamson University
Far Eastern University
University of the East (UE) Recto
UE Caloocan
Emilio Aguinaldo College
Earist-Eulogio Amang Rodriguez
San Beda College
Lyceum of the Philippines
University of Makati
Caloocan City College
University of Manila
Philippine Normal University

Ayon kay Parlade, posibleng hindi alam ng mga school officials na ang ilang mga aktibidad sa kanilang paaralan ay ginagamit ng mga komunista para makondisyon ang utak ng mga mag-aaral na sumanib sa kanilang kilusan.

Inihalinbawa ni Parlade ang film showing sa ilang mga paaralan tungkol sa Martial Law years noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung saan inihahambing ang Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong “diktador.”

Sa pamamagitan aniya ng mga ganitong aktibidad ay nahihimok ng CPP-NPA ang mga kabataan na sumama sa mga rally kontra sa gobyerno.