-- Advertisements --

Sang-ayon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tawaging terorista na ang rebeldeng New Peoples Army (NPA).

Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Restituto Padilla na ang inilunsad na criminal activities ng rebeldeng NPA ay maihahalintulad na sa teroristang grupo.

Giit ni Padilla na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan para makipag usap sa komunistang grupo ng sa gayon magkaroon ng kapayapaan.

” Government has done its part and negotiated with sincerity. We totally agree with the Commander-in-chief in calling the NPAs terrorists because it is clearly reflected in the numerous criminal/lawless terrorists acts that they have been committing against defenseless and innocent civilians,” pahayag ni Padilla.

Una ng nagbigay ng pahayag si Pangulong Duterte na maglalabas siya ng proclamation na nagdedeklarang terorista ang NPA.

Sinabi ni Padilla na tama lamang na tawaging terorista ang NPA dahil ang kanilang ginagawa ay mga terroristic activities.

Dagdag pa ni Padilla na maging ang Estados Unidos ay ni label na ng terorista ang NPA.

Naniniwala din ang militar na malaking kawalan sa NPA lalo na ang nakukuha nilang suporta.

“Kung terrorist mawawalan sila ng support, kasi sinasabi nila political detainees, its not political its terrorism, walang ideology involved , e saan sila makakakuha ng support di ba,” wika ni Padilla.

Sa ngayon naghihintay na lamang ang AFP sa nasabing proklamasyon na ilalabas ng Malacanang laban sa NPA.

Samantala, ayon naman sa source na isang senior military official na tumangging pangalanan na dapat lang talaga na ideklarang terror group ang New Peoples Army (NPA).