Masyado pang maaga para magsalita ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kakailanganin pa o hindi na ang pagpapalawig sa umiiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ito’y kasunod sa mga naitalang pagsabog partikular sa probi siya ng Sulu.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, malaking tulong ang umiiral na batas militar sa pagpapanatili ng peace and order.
Dagdag pa ni Arevalo kahit umiiral ang Martial Law sa Mindanao may mga pagsabog na naitala paano na lamang kung walang umiiiral na batas militar.
Pero dahil sa mga naitatalang karahasan, palalakasin pa ng militar ang kanilang pwersa sa Mindanao.
Ang Martial Law ay magtatapos sa December 31,2019.
Sinabi ni Arevalo nakadepende pa rin sa Pangulo kung kaniya pa itong palawigin o hindi na.