-- Advertisements --

Itinalaga ni President-elect Bong Bong Marcos si AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala bilang incoming Presidential Security Group (PSG) Commander kapalit ni BGen. Randolf Cabangbang.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Jorry Baclor, sa ngayon hinihintay na lamang ang order hinggil sa designation ni Col. Zagala para sa kaniyang bagong pwesto.

Sinabi ni Baclor, may inilabas ng memorandum para maisyuhan na ng order si Col. Zagala para sa kaniyang bagong designation
Dagdag pa ni Baclor, dalawa ang posisyon na hahawakan ni Zagala, acting PSG Commander at acting Senior Military Assistant.

Bukod sa pagiging Spokesperson ng AFP, si Zagala ang siyang Executive Officer ng Office of the J7 sa Camp Aguinaldo.

Siya ay graduate ng AB Political Science sa De La Salle University.

Na commissioned si Zagala sa regular force nuong August 9,1994 na graduate ng Officer Candidate School.

Si Zagala ay dating Aide-de-Camp ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ibat-ibang posisyon na rin ang nahawakan ni Zagala sa AFP.

Recipient din si Zagala ng ibat-ibang awards and decorations both sa administrative and combat duties kabilang ang Distinguished Service Star, Gold Cross Medal for gallantry in combat, 2 Bronze Cross Medals, 19 Military Merit Medals, AFP Senior Parachutist Badge, Army Aviators Badge, US public affairs badge, Presidential Medal of Merit at iba pang mga distinguished awards and commendations.

Si Zagala ay kabilang sa pamilya na puno sa military tradition mula sa kaniyang lolo hanggang sa kaniyang ama na si MGen. Rafael Zagala.