-- Advertisements --

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na katuwang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatanggol ng soberanya at teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Sinabi ni Brawner na malinaw ang posisyon ng Pangulo na hindi isusuko ang anumang bahagi ng teritoryo sa banyagang kapangyarihan at buo ang suporta ng AFP dito.

Inaasahan ng AFP na titigil ang mga iligal at agresibong aksyon ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army-Navy (PLAN), kabilang ang pangha-harass sa mga barkong Pilipino at panghihimasok sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Ayon kay Brawner, ang mga aksyon ng China ay paglabag sa internasyonal na batas at nagdudulot ng banta sa rehiyonal na katatagan at soberanya ng Pilipinas. Patuloy aniya ang AFP sa pagpapalakas ng depensa at pakikipag-ugnayan sa mga kasangga upang ipaglaban ang mga karapatan ng bansa.