Kinumpirma ni AFP chief of staff General Eduardo Año na target ng kanilang kampanya kontra iligal na droga kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mga high level drug syndicate na nag-o-operate sa bansa.
Ayon kay Año, very specific ang role ng militar sa kampanya kontra droga kung saan sila ang magbibigay suporta rito.
Binigyang-diin din nito na hindi buong AFP ang magiging bahagi sa kampanya kontra droga kundi maglalaan lamang sila ng mga tauhan na siyang susuporta sa PDEA.
Kabilang sa mga units na mapapabilang sa task force ay mga intelligence operatives at mga elite forces ng AFP.
Giit pa nito, kung may pangangailangan na dagdagan ang mga sundalo na magiging katuwang ng PDEA ay gagawin nila ito.
Tiniyak ni Ano na hindi magiging madugo ang kampanya kontra droga at hindi nila gagayahin ang Oplan Tokhang ng PNP.
Hindi magiging bahagi sa kampanya kontra droga ng AFP ang street level drug operations.