Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mabakunahan ang 100 sa kanilang mga tauhan kada araw sa oras na dumating na sa bansa ang mga COVID-19 vaccines.
Ayon kay AFP spokesperson MGen. Edgard Arevalo, mayroon na silang 72 vaccination teams na ide-deploy sa 47 vaccination sites sa loob ng mga kampo ng militar na may treatment facilities.
“Doon naman po sa mga lugar kung saan walang treatment facility na mga kampo, may koordinasyon po tayong ginagawa sa mga local government units at sa lokal na Department of Health,” wika ni Arevalo.
Muli ring iginiit ni Arevalo na mandatory ang pagpapabakuna ng mga sundalo.
Maaari rin aniyang mamili ang mga ito ng nais nilang brand ng bakuna, ngunit hindi na raw sasagutin ang AFP ang magiging gastos para rito.