-- Advertisements --
Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang kahandaan na magbigay ng serbisyo sa mga mananakay na apektado ng tigil pasada na ikinasa ng transport group na MANIBELA.
Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, sakaling kailanganin ay nakaantabay ang kanilang mga assets.
Nakahanda rin aniya silang magbigay ng libreng sakay sa mga ma-iistranded na pasahero.
Nakipag-ugnayan na rin aniya ang kanilang hanay sa pamunuan ng Department of Transportation hinggil dito.
Layunin nito na mabawasan ang hirap ng mga mananakay na umaasa lamang sa public transportation.
Makatutulong rin ito upang matiyak ang kaligtasan at mobility ng mga pasahero.