-- Advertisements --

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na nananatili itong committed sa pagtatanggol sa soberanya at teritoryo ng bansa sa WPS.

Ginawa ng AFP ang pahayag sa gitna ng pananatili ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa naturang rehiyon.

Sa pinakahuling monitoring ng AFP, nananatili sa nasabing kagatan ang Monster ship o pinakamalaking barko ng China.

Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Xerxes Trinidad, ginagawa nila ang lahat ng paraan batay sa umiiral na international law.

Ani Trinidad, kulang talaga ang resources ng Pilipinas kung ihahalintulad sa ibang mga bansa.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy nilang poprotektahan ang bawat mamamayang Pilipino.