Siniguro ng AFP ang patuloy na pagmamanman sa mga karagatang sakop ng Pilipinas kasunod ng namataang dalawang barko ng China sa Basilan Strait kamakailan.
Maalalang namataan ang naturang barko noong Hunyo-6, 2024 kung saan kinumpirma ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na ito ay isang training vessel .
Ayon kay AFP Spox Col. Francel Margareth Padilla, tuloy-tuloy ang pagbabantay ng sandatahang lakas at walang dapat ikabahala ang publiko ukol sa dito.
Kasabay nito ay hinimok ng opisyal ang publiko na maging huwag mag-speculate ukol sa naturang barko.
Pagtitiyak ng opisyal na mayroong mga contingency na ginagawa ang AFP na nakahandang gawin bilang tugon dito.
Tiniyak din ng opisyal na tinitingnan na ng AFP ang lahat ng scenario o posibilidad ukol sa presensya ng naturang barko sa katubigang sakop ng bansa.
Batay sa naging follow up report ng WestMinCom, ang dalawang barko ay posibleng nanggaling sa Timor Leste at pabalik na sa Dalian, China, noong nakita ito sa katubigang sakop na ng Mindanao.
Una ring sinabi ng West Min Com na walang nilabag na batas ang mga nabanggit na barko dahil ito ay sa ilalim ng innocent passage.
Pagtitiyak ni Col. Padilla na mananatili itong alerto sa pagbabantay, lalo na at patuloy na tumitindi ang sitwasyon sa WPS.