Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay sa West Philippine Sea upang igiit ang soberanya ng bansa.
Ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, katuwang nila sa hakbang na ito ang iba pang mga pangunahing ahensya ng gobyerno.
Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla, sa kanilang pagpapatrolya sa naturang karagatan ay namataan nito ang aabot sa higit 11,000 sasakyang pandagat noong nakalipas na buwan.
Mula sa natukoy na bilang ay aabot naman sa 2,000 dito ay pawang mga domestic vessels habang mga foreign vessel ang nasa mahigit 9,200 na foreign vessel.
Bukod dito ay namataan rin ang nasa siyam na People’s Liberation Army Navy at tatlong barko ng China Coast Guard sa Bajo de Masinloc.
Nakita rin ang nasa pitong PLA Navy ships at CCG vessel sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Iniulat naman ng AFP na walang Chinese vessels ang namonitor na namamalagi sa Sabina Shoal o Escoda Shoal ng naturang rehiyon.