Hindi magtatagumpay ang sinumang grupo o indibidwal na magpapasimuno ng tangkang destabilisasyon laban sa Duterte administration.
Binigyang-diin ni AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na nakatitiyak siyang sa panahong ito ng kasalukuyang administrasyon ay walang mahihimok na sinumang sundalo para magsagawa ng tangkang destabilisasyon o pagtalikod sa gobyerno.
Kumpiyansa si Arevalo sa katapatan sa bayan at sa pamahalaan ng mga sundalo lalo pa at naipakikita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito ang kaniyang malasakit.
Wala aniyang nakikitang dahilan ang liderato ng AFP para makilahok ang mga sundalo sa ganitong mga balakin sapagkat lahat ng pangangailangan nila ay ipinagkakaloob ng pangulo.
Ayon kay Arevalo sa ngayon ay wala naman silang namo monitor na anumang masamang balakin o pagkilos mula sa alinpamang grupo.
Gayunpaman, sinabi ni Arevalo na kung meron mang impormasyon na natatanggap si PCOOO Secretary Martin Andanar hinggil sa umanoy posibleng paggamit kay SPO3 Arthur Lascanas para sa destabilization ploy laban kay Pangulong Duterte.
Sinabi pa nito na handa ang AFP na protektahan ang gobyerno at hadlangan ang anumang pagtatangkang destabilisasyon.