-- Advertisements --
GENERAL EDGAR AREVALO
Gen. Edgar Arevalo/ FB post

Wala raw plano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni AFP spokesperson, BGen. Edgard Arevalo, matapos sabihan ni Pangulong Duterte ang AFP at Philippine National Police na huwag magsagawa ang coup d’etat laban sa kanya.

Tiniyak ni Arevalo na tapat ang AFP sa konstitusyon at sa watawat ng Pilipinas.

Professional rin aniya ang AFP at natuto na sa mga leksiyon nang nakalipas na mga kudeta.

Paliwanag pa ni Arevalo, walang dahilan para sa bayolenteng pagkilos, dahil sinabi naman ng Pangulo na handa siyang bumaba sa pwesto kung hindi na nasisiyahan ang mga sundalo at pulis sa pamumuno niya.

Samantala, ibinida naman ni Arevalo ang mga reporma ng militar na naisakatuparan sa ilalim ng administrasyon kabilang na ang dagdag sahod sa mga sundalo, dagdag na benepisyo at modernisasyon ng mga kagamitan.