Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayruon silang nakahandang contingency measure sakaling ituloy ng China ang banta nitong manghuli ng mga dayuhang mangingisda sa West Philippine Sea.
Sa isang panayam, itinanggi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margaeth Padilla na banggitin kung ano itong mga contingency measures na inihanda ng militar.
Sinabi ni Padilla na walang legal basis sa ilalim ng international law ang unilateral fishing ban ng China sa West Philippine Sea.
Iginiit ni Padilla na walang Karapatan ang China sa maritime claim nila sa ilalim ng united nations convention on the law of the sea o unclos para sa pagpapatupad ng ganitong patakaran.
Ipinunto ni Padilla na malinaw aniyang paglabag ito sa 2016 arbitral ruling na nagpapatibay at nag gigiit ng prebelehiyo ng ating mga pilipinong mangingisda na makapalaot at makapangisda sa west Philippine sea.