Bukas ang AFP na magsagawa ng joint naval exercises sa China at sa iba pang bansa.
Ito ang sinabi ni AFP chief of staff General Eduardo Año kaugnay sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang magkaroon ng pagsasanay ang Philippine at Chinese navies sa Sulu sea at sa karagatan ng Mindanao.
Ayon sa AFP chief, maraming matututunan ang kapwa bansa sa isa’t isa partikular na sa aspeto ng humanitarian and disaster relief, anti piracy at counter terrorism.
Dagdag ni Año na maganda nga kung sa Sulu sea isasagawa ang pagsasanay dahil makapag-eensayo ng real life scenario ang mga tropa sa pagsugpo ng terorismo.
Pero ayon sa heneral na bago magsagawa ng joint exercises ang dalawang bansa ay kailangang pumasok sa pormal na kasunduan ang dalawang bansa katulad ng visiting forces agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa kanyang panig, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na aalamin nila sa mga abogado ang mga legal requirements ng naturang hakbang.