Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na mapaparusahan ang sinuman sa kanilang mga miyembro na masasangkot sa iligal na “moonlighting activities”.
Ito ang naging babala ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla kasunod ng mga napaulat na may ilang mga law enforcement personnel ang nahuling dawit sa hindi awtorisadong pag e-escort sa mga VIP.
Giit ng tagapagsalita, hindi kailanman pahihintulutan ng Sandatahang Lakas ang ganitong uri ng mga aktibidad na kabibilangan ng kanilang mga miyembro.
Aniya, sakaling magkaroon man ng mga sundalong masasangkot sa kanilang gawain ay tiyak na mahaharap ang mga ito sa kaukulang kaparusahan.
Kasabay ng pagbibigay-diin na dapat ay palaging isasaalang-alang ng bawat miyembro ng kasundaluhan ang kanilang propesyunalismo at mandatong sinumpaan na pagpoprotesta sa bansa at sa taumbayan.