-- Advertisements --
Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na kanilang ipagpapatuloy ang pagtataguyod sa karapatang pantao sa lahat ng kanilang isinasagawang operasyon.
Ginawa ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang naturang pahayag kasabay ng pagdalo nito sa isinagawang paggunita sa National Human Rights Consciousness Week.
Ayon kay Brawner, kaakibat ng kanilang mga pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin ay ang pagsusulong ng human rights.
Pinaalalahanan rin nito ang kanyang mga kabaro na tiyaking naipapatupad ito ng maaayos alinsunod sa kanilang mandato at siguruhing maging tagapagbantay ng Saligang Batas.
Karaniwang ginugunit ang National Human Rights Consciousness Week tuwing Disyembre 4 – 10 taon-taon.