Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na kanilang uubusin bago matapos ang taong ito ang natitirang apat na guerilla fronts sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa isinagawang pulong balitaan.
Naniniwala ang heneral na maisasakatuparan nila ang pag-ubos sa naturang bilang ng mga natitirang guerilla.
Ang naturang bilang ng mga guerilla ay mula sa dating pitong guerilla na naitala sa nakalipas na tatlong buwan.
Aminado ang AFP , na mayroon pa ring mga supporters ang naturang grupo na maaaring bumuo ng maliliit na grupo.
Karamihan sa mga ito ay linulusob ang ilang mga detachment ng Philippine National Police at militar.
Batay sa datos, aabot na lamang sa mahigit isang libo ang miyembro CPP-NPA-NDF mula sa dating higit 2, 000 na naitala noong nakalipas na taon.