Hindi kukulangin ang suplay ng mga tropa ng militar na namamalagi sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ginawa ng Armed Forces of the Philippines ang pagsisiguro sa kabila ng mga pangambang baka magaya ito sa BRP Terresa Magbanua na napilitang bumalik sa Palawan dahil sa kawalan ng sapat na suplay ng malinis na inuming tubig, pagkain at iba pang pangangailangan.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad , sa ngayon ay maaayos ang kalagayan ng mga sundalong nakahimpil sa naturang sasakyang pandagat ng Pilipinas.
Aniya, sapat ang suplay ng tubig, pagkain at gamot ng kanilang tropa sa BRP Sierra Madre.
Sa kabila ng mga kaguluhan sa WPS, nananatili aniyang mataas ang morale ng mga ito.