-- Advertisements --
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na wala parin silang tigil sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Julian sa lalawigan ng Batanes.
Ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, katuwang nila sa paghahatid ng ayuda ang Estados Unidos.
Sanib pwersa ang Philippine Air Force, Northern Luzon Command at US III Marine Expeditionary Troops sa paghahatid ng tulong partikular ng mga relief supplies.
Ito ay suportado naman ng US Indo-Pacific Command at USAID.
Batay sa datos, aabot naman sa 1,000 family food packs ang naihatid mula sa DSWD, 1,000 shelter repair kits na nanggaling sa OCD.
Naihatid rin ang 2,500 tarpaulin sheets na donasyon ng International Organization for Migration gamit ang C130 aircraft.