Tumulong na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa imbestigasyon sa kaso ng pandurukot sa isang Amerikano noong Oct. 17, sa Sibuco, Zamboanga del Norte.
Ayon kay PBGen. Jean Fajard, PIO Chief & Spokesperson ng Philippine National Police (PNP), bumuo na ng Crisis Incident Task Group na kinabibilangan ng PNP, AFP, Philippine Coast Guard (PCG), at sa tulong na rin ng Local na pamahalaan ng Zamboanga Del Norte na tututok sa imbestigasyon.
May dalawang persons of interest na umano ang pambansang pulisya sa naturang kaso, at inaalam na rin kung affiliated ang 2 POIs sa isang local terrorist group.
Bagama’t hindi na ito nagbigay ng karagdang detalye hinggil sa mga suspek dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon, sinabi ni Fajardo na ang isa sa mga ito ay may composite artist sketch na.
Matatandaang apat na lalake raw ang pumunta sa isang bahay kung nasaan ang 26 anyos na American national. Ang mga ito ay may dala dala raw na armalite at agad na sinapak sa mukha ang amerikano nang makita ito sa kaniyang kwarto, sinubokan naman daw tumakas ng banyaga pero naabutan ito at binaril sa binti.
Sa ngayon patuloy ang paghahanap ng awtoridad sa mga suspek pero wala raw natatanggap na anumang impormasyon o demand for ransom mula sa mga ito.