Nais pang mapalawak ng Armed Forces of the Philippines ang kooperasyon ng Pilipinas at Sweden pagdating sa larangan ng pandepensa at seguridad.
Ito ang ipinahayag ni AFP Inspector General Lt General Steve Crespillo sa pagbisita ni Swedish Military Adviser ng Department for Armament and Industry ng Ministry of Defense ng Sweden, Brigadier General Olle Hultgren sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagsisikap ng AFP na tumuklas ng mga karagdagang oportunidad para isulong ang shared commitment ng dalawang bansa sa regional security at global peacekeeping efforts.
Kung maaalala, ang relasyong militar ng Pilipinas at Sweden ay naka-angkla sa Memorandum of Understanding Concerning Cooperation in the Acquisition of Defense Materiel, na nilagdaan noong Hunyo 3, 2023.