-- Advertisements --

gapay

Umapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Facebook Philippines na ibalik ang site ng “Hands of our children” at iba pang mga kahalintulad na sites na kontra sa pang-aabuso sa mga kabataan at terrorismo na maaring napasama sa mga sites na isinara ng Facebook.


Una rito, mahigit 150 pekeng accounts na naka base sa China at mga site na mina-“manage” umano ng mga taong konektado sa pulis at militar ang isinara ng Facebook dahil umano sa “coordinated inauthentic behavior”.

FB

Sa naturang pagpupulong ipinaliwanag ng Facebook ang kanilang polisiya sa pagtanggal ng mga account na nakatutok sa “behavior” at hindi sa “content” ng mga account.

Ang “Hands of our children” ay binubuo ng mga magulang na may mga anak na nawawala matapos na umanoy ma-hikayat na sumama sa New People’s Army, na kinokonsidera bilang terrorist group.

Tinukoy naman si Phil Army Capt. Alexander Cabales na operator ng mga network of pages na tinanggal ng Facebook dahil sa coordinated inauthentic behavior’.