Kinumpirma ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na wala nang namo-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga foreign terrorist na nag-ooperate sa Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng pinalakas na kampanya ng Marcos Jr administration laban sa insurhensiya at terorirmo.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner na ang dalawang huling napaulat na foreign terrorist sa bansa, na-neutralize na noong nakaraang taon.
Inihayag ni Brawner na patunay na wala ng terorista sa bansa ay ang progresong naitala sa nakalipas na tatlong taon, kung saan wala nang napauulat na kidnap for ransom, na talamak noon sa Jolo at Basilan.
Sa kabilang dako, sinabi ng heneral na nagpapatuloy rin ang isinasagawang decommissioning ng AFP sa Islamic Armed Forces combantants, maging ang reintegration program para sa mga ito.
” Kung mapapansin ho ninyo, ang isang indicator ng progress natin is that for the past three years, wala na pong mga nababalitaan tayong mga kidnap-for-ransom ‘no. Hindi po katulad noong unang panahon ay marami – lalung-lalo na sa Jolo, sa Basilan maraming naki-kidnap-for-ransom both na mga foreigners pati mga locals,” pahayag ni Gen. Brawner.