-- Advertisements --

KIG

Wala ng namomonitor na iba pang mga illegal constructions sa loob ng Kalayaan Island Group (KIG) sa West Phl Sea ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y bukod sa iniulat nuong una na may nakitang limang illegally constructed features sa Pagkakaisa Banks o Union Banks.


Ayon kay AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo sa limang illegal construction na nakita sa lugar dalawa dito ay gawa ng China habang tatlo sa Vietnam.
Sinabi ni Arevalo, 24/7 ang ginagawang monitoring ng AFP sa kanilang land based monitorings.

Pinalakas din ng AFP ang kanilang maritime sovereignty patrols sa lugar gamit ang mga barko ng Philippine Navy at mga air assets ng Philippine Air Force.

” We join Defense Secretary Delfin Lorenzana in calling out these incursions, we commit to continuously monitor the West Philippine Sea through regular air and maritime sovereignty patrols apar from 24/7 land based monitoring.

KIG3

Una ng iniulat ng militar na nasa 44 na mga CMM pa ang naka angkla sa Julian Felipe Reef at nasa 200 iba pang mga barko ang nakakalat sa ibat ibang Reefs at Pagasa Island na nasa loob ng 370-kilometer EEZ ng Pilipinas.

” We will remain unrelenting in providing pertinent data to the DND and the NTF-WPS as to the situation that impringes on our sovereignty and our enjoyment of our sovereign rights,” pahayag ni MGen. Arevalo.