Hihintayin lang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang release order mula sa korte bago tuluyang palayain si Marine Col. Ferdinand Marcelino na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Kampo Aguinaldo.
Ito ay matapos inabswelto ng Department of Justice si Marcelino at kasama nitong Chinese sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo na kapag hawak na nila ang release order mula sa korte ay susundin pa nila ang ilang proseso isa na rito ang pagsasailalim kay Marcelino sa medical exam katulad noong unang procedure ng ikulong ito sa ISAFP detention cell ito ay upang matiyak nasa maayos na kondisyon ang kalusugan nito.
Blanko pa ngayon si Arevalo kung ano ang magiging susunod na hakbang ng AFP kaugnay sa kaso ni Marcelino na aktibong miyembro pa ng Philippine Marines.