Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na wala itong namataan na anumang presensya ng China sa bahagi ng West Philippine sa kasagsagan ng pagsasagawa ng Multilateral Maritime Exercises ng Pilipinas, Amerika, at France dito.
Sa gitna pa rin ito ng nagpapatuloy na aktibidad na nakapaloob sa ika-39 na iteration ng Balikatan Exercises 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Balikatan information Bureau chief LtCol, John Paul Salgado, sa ngayon ay naging smooth naman aniya ang isinagawang sanib-pwersang paglalayag ng mga hukbong pandagat ng naturang mga bansa sa West Philippine Sea.
Samantala, bukod dito ay iba pang mga pagsasanay ang nakahanay pa para sa gaganaping aktibidad ng tatlong bansa na bahagi ng Balikatan drills sa Western section ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Magtatagal ang naturang Multilateral Maritime Exercises sa loob ng limang araw o hanggang Abril 29, 2024.