-- Advertisements --

Walang umanong namomonitor na seryosong banta sa terorismo ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa may bahagi ng Central Visayas.

Naglabas naman ng travel advisory ang Estados Unidos sa kanilang mga kababayahan na iwasan munang bumiyahe sa Region 7 dahil sa banta ng terorismo.

Ayon kay AFP chief of Staff General Eduardo Año na kanilang nirerespeto ang inilabas travel advisory ng US subalit iginiit na wala silang nakikitang banta.

Sinabi ni Año na kahit wala silang namomonitor na banta, hinihikayat pa rin nila ang publiko na maging maingat at alerto sa bawat pagkakataon at kaagad ipagbigay alam sa mga otoridad kung may napapansing mga kahinahinalang tao o mga bagay ng sa gayon kaagad makapagsagawa ang militar ng counter actions.

“We respect the travel advisory advise but as far as the AFP is concerned, wala naman kaming nakikitang threat. Still we encourage everybody to be vigilant and report any suspicious person object or circumstance so that the AFP can take immediate counter actions,” pahayag ng heneral.