Walang namonitor na presensiya ng mga barko ng China Coast Guard sa isinawagang PH-US Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea (WPS) kahapon July 31,2024.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) Chief Col. Xerxes Trinidad wala silang namataan na mga barko ng China partikular sa exercise area partikular sa visual o radar monitoring.
Sinabi ni Trinidad nagtapos ang Maritime Cooperative Activity bandang alas-6:00 ng gabi kahapon.
Ginanap ang ehersisyo sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Naka pokus ang joint military exercise sa pagpapalakas ng komunikasyon at operational coordination ng dalawang navies.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ay ang communication checks, division tactics, at cross-deck exercises.
Samantala, sa panig naman ni Philippine Navy Spokesman for West Phil Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sinabi nitong magiging regular nang aktibidad ang maritime cooperative activity kasama ang kanilang mga counterpart mula sa ibat ibang bansa gaya ng Amerika.
Inihayag din ni Trinidad na walang na-monitor na barko mula sa Chinese PLA-N, CCG at MMA sa bisinidad.
Hindi naman masabi ni Trinidad kung bakit walang umaaligid na barko ng China lalo at nuong nakaraang joint military exercise ay nakitang bumubuntot ang Chinese Coast Guard.