-- Advertisements --

Walang natatanggap na ulat si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner kaugnay sa Russian Corvette kasama ang Chinese warship na nagsasagawa ng joint military drills sa West Philippine Sea.

Sinabi ni  Brawner, mahigpit nilang minomonitor sa ngayon ang mga aktibidad sa West Philippine Sea kasunod ng ulat ng joint exercises ng Russia at China.

Binigyang-diin ng Chief of staff na kanilang sisiguraduhin na ligtas ang Pilipinas sa ilalim ng international rules based order.

Una ng inihayag ng AFP na magpapatuloy ang maritime patrol sa pinagtatalunang karagatan dahil sakop ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Maging ang rotation and resupply mission ay magpapatuloy dahil ang BRP Sierra Madre ay parte ng teritoryo ng Pilipinas.

Kailanman hindi tatanggalin ng Pilipinas ang nasabing barko sa bahagi ng Ayungin shoal sa West Philippine Sea.

Sisikapin din ng militar na hindi na mangyayari ang insidente kahalintulad nuong June 17,2024.