Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang namomonitor sa kalakhang Maynila.
Ito’y kasunod sa ginawang kilos protesta ng ilang mga miyembro umano ng NPA sa Quezon City kamakailan kung saan bahagi umano ito sa paggunita ng anibersaryo ng komunistang grupo.
Ibinunyag ng isang intelligence official na ang mga nagsagawa ng protesta kamakailan ay mga miyembro umano ng “legal fronts” ng communist party na nagpapanggap na mga miyembro ng NPA.
Siniguro ng militar na walang NPA members ang namonitor sa Metro Manila.
Samantala, ayon naman kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo na batay sa kanilang impormasyon na ang mga nagsagawa ng kilos protesta na nagpanggap na mga
miyembro ng NPA ay mga bayaran na mga sympathizers at supporters ng rebeldeng grupo.